Guro, Patay Matapos Barilin ng Estudyante sa Lanao del Sur

Isang guro sa Lanao del Sur ang binaril at napatay ng kanyang estudyante matapos umano siyang ibagsak sa isang asignatura.
Guro, Patay Matapos Barilin ng Estudyante sa Lanao del Sur

By Sherman Calotes | Philippine People's Press 

Isang 34-anyos na guro ng Balabagan Trade School sa Barangay Narra, Balabagan, Lanao del Sur ang binaril at napatay ng kanyang estudyante matapos umano itong ibagsak sa isang asignatura.

Kinilala ang biktima na si Danilo Barba, habang ang suspek ay si Kaizer, 20, Grade 11 student. Ayon kay Provincial Director Col. Caesar Cabuhat, inamin ng suspek na ginawa ang krimen dahil sa matinding galit sa guro.

Batay sa imbestigasyon, sinalubong ng suspek ang guro dakong alas-8:00 ng umaga at binaril sa ulo gamit ang .45 kalibre na baril, na agad ikinamatay ng biktima. Tumakas siya sa Marogong ngunit sumuko kinabukasan sa tulong ng kapatid na pulis.

Dahil sa insidente, pinaigting ang seguridad sa paaralan at nag-deploy ng pulis at sundalo. Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Balabagan Municipal Police Station at nahaharap sa kasong murder.

Philippine People's Press | In Truth We Prevail