Ramon S. Ang, handang ibenta ang Petron sa pamahalaan

Handang ibenta ni Ramon S. Ang ang Petron sa pamahalaan upang mapalakas ang energy security ng bansa.
Ramon S. Ang, handang ibenta ang Petron sa pamahalaan

Ipinahayag ni San Miguel Corporation (SMC) President at CEO Ramon S. Ang na bukas siyang ibenta ang Petron Corporation sa pamahalaan kung nanaisin nitong akuin ang pamamahala ng kumpanya.

Ayon kay Ang, ang naturang pahayag ay kaugnay ng patuloy na usapin sa suplay ng langis at sa pangangailangan na mapalakas ang energy security ng bansa. Ipinahiwatig din niya na kung naniniwala ang gobyerno na mas epektibo nitong mapatatakbo ang Petron, handa siyang makipag-ugnayan para sa posibleng transaksyon.

Ang Petron ay isa sa pinakamalaking oil refining at marketing companies sa Pilipinas, na may mahalagang papel sa distribusyon ng petrolyo sa bansa.

Philippine People's Press | In Truth We PrevailĀ